hindi naman kahinaan sa isang lalake ang umiyak diba? hindi rin naman siguro mababawasan yun kung hihingi ako ng tawad at aaminin ang mga pagkukulang ko. sabagay, wala akong pakialam dun. sabi nga ni bob marley, everyones goin to hurt you. just find the ones worth suffering for.
madami akong dapat na hingan ng sorry. di ko na mabilang sa daliri ng kamay ko. pero siguro sa tingin ko, dapat mas humingi ako ng sorry sa sarili ko. sa mariming bagay at kadahilanan. for the past few weeks parang may isang malaking maitim na ulap sa ulo ko na sumusunod sa akin kahit saan ako mag punta. ewan ko ba pero feeling ko uulan ng malakas anytime soon. siguro dahil wala pa akong work hanggang ngayun kaya naaapektuhan ang lahat-lahat sa akin. eh paano ka naman magkakatrabaho kung napaka pihikan mo! haha kahapon nga, nanunuod ako ng naruto sa animeseason.com, yung episodes mula nung sinugod ni pain ang konoha hanggang sa hinahagis na si naruto na para bang bagong hero, ang nakakatawa dun, iyak ako ng iyak except dun sa may mga fight scenes sympre. iyak ako ng iyak. di ko din maipaliwanag kung bakit. tapos haharap ako sa salamin, sasabihin ko "anu bang problema mo? anung kulang mo? ano bang panget sa iyo? kung isa kang sasakyan, ano ka: total wrecked? naflatan lang ng gulong? nagasgasan ang body kit? madumi lang? o ayus lang wala lang gasulina?" hahahahaha