Saturday, February 11, 2012

nalulungkot ako hindi dahil umiiyak ang puso ko. nalulungkot ako dahil wala pa akong trabaho.

nung feb1, nag retired na si mami sa work. at simula noon, unti-unti na akong nilalamon ng katotohanang isa akong malaking liability sa pamilya namin. wala akong ipinapasok na pera sa bahay. meroon pa akong kapatid na second year college na ang tuition fee ay sa akin naka-toka. meroon akong lola na ang buhay ay umiikot sa kama nya kaya apektado ang negosyo ng tatay ko. nasa point nanaman ako na tulad nung kapapasa ko palang ng board exam, isang palamuning baboy. pero iba ngayun, kung dati feeling ko nako compensate ko sya sa pag lilinis ng bahay, sa pag uurong, pag sasaing, pag lalaba eh ngayun hindi na. mula last week, nahihiya akong kumain na kasabay sila mami, para bang wala akong karapatan. hindi naman sya masakit magsalita, pero alam mo yun, mas masakit yung mga tingin nya na para bang luluha na at nagmamakaawang magtrabaho na ako at wag nang maging mapili pa.

nalulungkot ako na tamad na tamad. teka maiba ako, eto ang oras kung saan ako pinaka vulnerable. para ba akong di lang makanti tutumba. di lang makakita ng iiyak hahagulgol. hahaha kailangan ko ng kausap. kailangan ko ng makakausap. kailangan ko ng malalabasan ng bigat ng dibdib ko. pwede ka ba? tulungan mo naman ako.

maiba ulit ako, kanina, nag punta kami ng yakimix sa sm north edsa, nilibre ako nila sa 600 pesos na eat-all-you-can sushi. teka, eto picture..

L to R: artur, joicy, ako, te edna, les, bab :))

eto ang unang plate ko.. form top to bottom:
sushi, sushi, sushi, sushi, sushi, sushi, sushi, sushi, sushi..
nag second round pa ako nyan, na puro sushi ulit.
hanggang sa naumay na ako. umay na umay na umay.
pinagtatawanan nga nila ako, may apat na sushi pa sa plato ko,
tinitignan pala nila mukha ko habang kumakain ng sobrang pilit. hahahahahahaha
anyway, hindi yang pagkain sa japanese resto na yan ang kwento.. nung papaakyat na ako sa footbridge ni bayani fernando, nakakita ako ng matandang may dalang bayong sa magkabilang kamay, walang tumutulong. pakiramdam ko bigat na bigat. dineadma ko nung una dahil late na ako at nagmamadali. pero di ko natiis, nung pagkalagpas ko onti, binalikan ko at binuhat ko yung dalawa. at totoo nga, mabigat ang dala nya, papunta daw syang malolos kaya sinamahan ko pa sya sa terminal ng bus sa may ibaba ng sky garden. habang naglalakad papasok ng mall, naisip ko teka, hindi kaya wish ko lang yun? tumingin tingin ako sa paligid baka may nakasunod na sa aking camera. o kaya mga researchers na nagpapanggap na students. nang bigla kong tanungin ang sarili, meroon pa bang wish ko lang?

maiba nanaman ako ulit, naguguluhan ka na ba? hahaha hindi mo ba naisip minsan kung bakit may ibang taong nag sasabing kung panaginip lang ito sana hindi na ako magising? at bakit meroon namang iba na sinasabing sana panaginip lang to dahil gusto ko nang magising? asaan ka dyan? teka, asaan ako dyan? hahaha