you cant unscramble scrambled eggs.
kuya paano kung nasira na ang tiwala mo sa isang tao, paano mo yon maibabalik? saka bakit ganun ang pakiramdam ko, nawawalan ako ng gana dun sa kaibigan ko dahil sa nagawa nya? - tanong sa akin ni anakin nung isang araw. nagulat ako nyan.
kapag pinag uusapan ang salitang tiwala, ang unang pumapasok sa isip ko eh yung condom. sunod lang ang vase. hahaha pag punit ang condom o kaya ay butas kahit galing pa ito sa sealed na pakete, ito ay tinatapon. ang isang vase, kahit gaano ito kalaki o kamahal, kapag nabasag ay nawawalan ng value. ganun din ang pag titiwala. nakakawalang gana kapag wala ka ng tiwala sa isang tao. pero syempre hindi ko yan sinabi kay anakin. hahahaha
nagpaka humane ako at sinabing lahat ng tao nag kakamali. ikaw man eh nagsinungaling minsan kila dadi o sa mga kaibigan mo. at dahil dun sa pag kakamali mo na yun ay natutuo ka.. sana. kung talagang feeling sorry yung kaibigan mo eh hindi na nya uulitin yun at hindi naman ibig sabihin non eh ipapamukha mo yun sakanya palage para feeling guilty yung kaibigan mo kapag gusto mo syang i-take advantage. hahaha lahat kako ng tao ay deserve ng second chance pero choice nya yun kung ibibigay o hindi.