Tuesday, November 29, 2011

gusto ko ng magka trabaho. huhu

sobrang frustrated na ako. kahapon nag punta ako sa malolos. sa bsu-con. sa dati kong pinag tatrabahunan. ang daming bumati sa akin, para akong artistang ewan na ang dami daming kumukurot sa bilbil ko. it felt warm. i felt missed. i feels so good. pero halos lahat sila sinasabing tumaba daw ako. manas sa mukha, mag bra ka na sir, may beke ka?, namumula ka kasi na-stretched ang balat mo sa mukha, nawala ang panga mo, nag ggym ka ba, lumaki kasi chest mo. ilan lang yan sa sinabi nila sa akin. hahaha gusto ko silang akapin lahat, ay hindi pala, yung iba lang. hahaha

pag uwi ko sa bahay:

aj: mami, mataba ba ako?
mami: hindeee! sinong nag sabi? bubugbugin ko??? (in a very very sarcastic way)
aj: lahat sila dun sa school
mami: hindi ka tumaba, pensyonado ka lang.

hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. pero it hit me. tagustagusan sa puso. anim na bwan na pala akong walang trabaho. fcuk. nasaan na ba ang trabaho. nag hahanap naman ako. nate-tempt na akong mag apply sa call center. Lord, penge po ng trabaho. promise, di ko na aawayin boss ko. si lina kasi ng jobstreet puro convergies at tellus ang ini-e-mail sa akin eh. parang ewan lang. gusto ko nang mag suot ng leather shoes at barong. gusto ko na din gumigising ng maaga tapos maexperience ang rush hour. gusto ko nang maramdamang may sariling pera. hahaha oo, nakaka frustrate na.