Saturday, October 22, 2011

Ilang bwan na ulit akong di nagpapakita sa pinaka mamahal kong dentista. Sa totoo lang nasa listahan na ako siguro nun ng mga pinaka pasaway nyang pasyente. Natanggalan na ako ng dalawang molar bond ulet. Isang bracket. At naputol ang goma.

Dati, naiinis ako kay anakin pag sinasabi nyang 'kuya, masakit ang ipin ko' lagi kong sinasagot sa kanya na 'magtu-toothbrush kasi ng gabe.. Wala na tayung magagawa dyan, maghanap ka ng mefenamic acid sa bag ko at inumin mo'.. Akala ko kasi noon na ang sakit ng ipin ay tulad lang ng sakit ng ulo o sakit ng tiyan ang pakiramdam. Alam mo yung feeling na confined lang dun ang sakit tapos tolerable naman at itulog lang eh mawawala.

Ipinaramdam sa akin ni Lord kung ano ba ang pakiramdam ng masakit ang ipin. WaAAaH!! Apaka sakeeet! Iba sya. Iba ang sakit. Pumipintig. Tapos naglalakad yung sakit. Parang yung kalooblooban ng kabutuhan o kalamnan ang masakit. Nagra-radiate sya sa ulo. At hindi ko mapinpoint kung anung ipen ang masakit. Di sya mawala ng toothbrush. Di sya mawala ng floss. Hanggang magsugat gilagid ko. Sinabi ko kay anakin na masakit ang ipin ko, ibinalik lang nya ang mga sinabi ko sa kanya. Hahahaha kaya bumili ako ng isang banig ng mefenamic acid dahil alam kong medyo matagal pa akong makikipag eye ball kay dra dentist ko. Huhuhu