Pagkagising ko ng umaga kanina, tuwang tuwa si mami na sabihin sa aking
''Anak, mag aral ka ng mag drive!!''
Ang dugo koy nabuhay. Naimagine ang sariling nasa loob ng isang honda jazz na kulay dilaw at modified ang body kit. Heavily tinted. At dumadagundong ang sounds. Alam ko kasing may perang darating sa kanila ni dadi (galing sa illegal na negosyo na marijuana ng pamilya. Joke lang) kaya alam kong nasa reality ang nanay ko. ''madali lang daw mag aral sabi ni rean, natututo sya ng 3 days lang sa A1'' ang dagdag ko pa ng sinundan pa nya ng..
''wag kana ring maghanap ng trabaho, magtatayo ako ng negosyo kasi. Ikaw nalang ang driver ko''
Ang mga nanay talaga, walang iniisip kundi ang kabutihan ng kanilang mga anak. Hayhayhay wala lang, nashare ko lang. Adik din tong si mami eh, kaya pala ako ganito. Wahahaha