Thursday, October 20, 2011

Hindi ko alam pero isa lang ang sisisihin ko, ang jilcf. Wahahaha

Months ago, lumabas kami ni butty, we had at least two bottles of TI at syempre ang pulutan namin ay ang mga kwento kwento ng aming mga lovelife.

I told butty na as much as possible ayokong nakikipag away pag nasa isang relasyon ako. May feeling kasi ako kako na parang katapusan na yun ng relationship. Para bang wala na, break na..''Pareho tayo'' sabi nya. ''Blame it to jilcf'' sabi namin. Haha

''One time nag away kami'' kwento ni butty. ''Sobrang tindi na umiiyak ako. Tapos nung di ko na kaya, ang text ko sa kanya ay puro pasasalamat na 'salamat sa pag-aalaga mo sa akin, sa pag-mamahal, sa mga oras na memorable, blah blah' nakakatuwa lang kasi reply nya.. 'cams, nag aaway lang tayu, hindi tayu magbe-break. Chill ka lang' ayun, nagtawanan kame'' haha at syempre nag lol din ako sa kwneto nya. Wahahaha