Tuesday, August 23, 2011

bargaining.

habang nag lalakad kami ni mami papunta sa bahay ni lola galing sm marilao, nabanggit ko sa kanya na nade-depressed ako dahil sa turn out ng mga bagay na nangyari sa akin. nadepressed ako dahil sa isang text msg galing sa globe: expired na daw ang unlitxt80 ko. nalugmo lalo ako ng makita kong 25 pesos nalang ang laman ng wallet ko.

kung hindi ko sinulat ang mga bobo blog posts ko: 20.4.11, 6.4.11, 2.4.11, 23.3.11.. edi sana may trabaho pa ako. kung sana yumuko nalang ako at nag bulagbulagan sa kababawan at kabobohan edi sana hindi lang 25php ang laman ng wallet ko.

iisang dahilan lang ang nakikita kong avantage sa pag alis don, yon ay nawalan ako ng stress. napaka stress-free ng mga araw ko ngayun. may kinakain kahit walang pera, may bahay na tinitirahan, may internet pa. haha pero hmm yun nga, nakaka frustrate din dahil wala akong trabaho.

sabi ko kay mami na part of me ay nagsisisi. pero masaya ako ngayun dahil a lot of opportunity is coming my way. kaya lang kako, naiinip na akot ang tagal nilang tumawag para sa interview. hahaha sabi pa ni mami at claudette, nawawalan daw ba ako ng faith. hindi naman kako, hindi ko lang maiwasang mag isip.

nakakatuwan isipin na nung nalaman kong di ako bibigyan ng load, denial pa akot mga kaibigan ko. nung nag simula ang class at nasa bahay lang ako, galit na galit ako. lalo na kapag may nag babalita sa akin ng kung ano-ano, ngayun naman, nag ba-bargaining ako. haha sabi ko pa kay claudette kagabi na kasama pala sa bargaining ang pang hihinayang at pag sisisi. pero ang mas nakakatawa, totoo pala ang dabda.

nag kwentuhan kami ni mami kagabi, huling tingin ko sa relo ay 12mn. pero feeling ko 3am na kami natulog. sabi ni mami, maawa ka sa kanila. wag kang mafrustrate. maniwala ka kay Lord.