last wednesday, inutusan ako ni mami na pumunta ng maynila para bayaran ang tuition fee ni anakin. yes! makakaalis din ng marilao! makakalabas din ng bahay, yeeees!
nagpabango, nag plantsa ng buhok (mukha na daw akong koreano sabi ni mami), at ayun, gwapo. haha kasagsagan ng init noon at pag dating ko sa lyceum, hubas na ako sa pawis buti nalang karamay ko si panyo. nag pasalamat ako kay Lord dahil hindi ako sa intramuros o kahit sa u-belt nag aral. kaya ko yung pag lalakad mula lrt station hanggang school pero yung pag lalakad na ubod ng init ay hindi ko kaya. sabayan pa nung mga studyanteng akala mo nag lalakad ng ilalim ng bwan. tapos barkada pa sila na naka isang line side-by-side. bwisit.
after kong mag bayad, kumain ako sa ala kapitolyo food court nila doon.. hmm hindi masarap. hahaha habang kumakain, biglang umulan ng ubod na lakas. sumakay ako sa padyak at nag bayad ng 40php, basang basa ako ng dumating sa lrt station. bukod doon, nangiyak ngiyak ako dahil ang mga tren na dumarating punong puno. umaapaw. may foreigner pa nga na picture ng picture sa gitgitan. hahaha buti nalang hindi ako doon nag aral.
sakit ng ulo at binti inabot ko don. at pasasalamat kay Lord, medyo naawa ako kay anakin pero gusto nya yun eh, saka sanay na siguro yun. :))
---
anyway, may nakakatuwang nangyari pala, sa cental terminal bago umuwi ay kumain ako ng kwek-kwek at gulaman sa isa sa mga stall don. kain-kain-kain ng may dumating na mga students at nag tatalo kung anong bibili. sabi nung tatlong babae kwek-kwek daw kakainin nila. sabi nung bading na kasama, sisiw daw sa kanya dahil pampatalino daw yon. napaisip ako tuloy at bakit naging pampatalino yon. yon nalang kainin nating lahat, tatalino tayu dahil makakakain tayu ng brain ng sisiw, tatalino tayu bida nung bading. ahhh i see. :))