Friday, August 19, 2011

significance and legacy.

halos seventeen years din akong nag aral, mula nursery hanggang college. madami akong nakilala at naging kaibigan. sa dinami dami ng mga yon iilan lang ang nanatiling kaibigan ko. sabi nga ng napanood ko hindi lahat ng kakilala mo ay kaibigan mo. haha naisip ko tuloy bigla, ngayung hindi na ako instructor sa state university, ano kaya ang masasabi ng mga naging student ko pag naririnig ang pangalan ko? haha at dahil dyan, ano naman kaya ang masasabi ko sa mga naging teacher ko? haha

mam nursery: sorry po, di kita matandaan mam/sir.

mam kinder: si mam miriam sunga. napaka sungit nito as in! palagi nya kaming pinagagalitan ni billy kapag hindi namin nauubos yung miryenda galing canteen na munggo. haha pero sya ang pinaka significant na teacher para sa akin. ngayung nag kikita kami, palagi nya akong niyayakap. where you mam? where you?

mam grade one: ang naaalala ko lang sa kanya ay nung first day ng class ay inilagay nya ang number ng notebook ko sa mga mukha nung artista. yes, ang notebook ko nun eh yung mga artista ang cover na kung ano anong patweetams ang post. galit na galit si mami nung pag uwi ko. haha

mam grade two: sino ka nga ulet? haha

mam grade three: ahhh sya ang unang mathematician na nakilala ko. :)) si mam bormeo. napaka hinhin nya at sobrang bait. kabaliktaran ni mam grade one.

mam grade four: ay paksyet tong teacher na to. haha binigyan ako ng suspension slip dahil nasagot ko ng tama yung pinaka mahirap daw nyang tanong. at ang nilagay nyang reason sa slip eh "overconfidence". oha.

mam grade five: eto naman ang pinaka mukhang pera kong teacher. bawat kibot pera. noisy: 5php. standing: 10php. littering: 15php. loitering: 20php. pag tumakas ka as cleaner ay every day mag bibigay ka ng 5php hanggang sa susunod na linggo.

mam grade six: hmm sorry. who you? haha

mam first year high: naku, nabalitaan ko ay nasa langit na daw sya. so ayun.

mam second year high: ay naku, apaka sexy nito at ganda! daig si sam pinto. sya si mam gallega. napaka galing ding kumanta. pag nakita nyo class picture namin dito, apaka payat naming mga lalake. sya din ang nag mulat sa akin na ang palaka ay hinihiwa sa gitna habang naka tusok ang mga paa sa nilusaw na kandila. haha 98 ang grade ko dun dahil yung lungs nung palaka ay hindi ko nabutas. hahaha love you mam!

mam third year high: ay naku, the best tong teacher na to. si mam tagalog. teacher ko sya sa social studies. iba ang approach nya. iba ang teaching style. san na kaya si mam?

mam fourth year high: ahhh si mam pantaleon. superb! where you? ang pinaka love kong teacher. nakikipag batuhan ng icing sa amin yan pag may party. tapos binato kami ng basurahan dahil punong puno ng chokichoki yung likod ng pinto. haha

college: hmm si mam nocus, dahil malaki ang pwet nya at gustong gusto nya yung naka white na pants tapos kita kulay ng panty nya. yun lang. hahaha si sir laboy, reviewer ko na sya nun sa compre sa fatima. binuhay nya ang natutulog kong diwa pag review sa kwento nyang bibe na nirape ng arabo. tapos nag vaginismus daw ang bibe. hahahaha ang arabo daw ay hiyang hiya sa ER. ang pinoy nurse naman, amaze na amaze, paano daw nag kasya. wahahaha

at nung nag trabaho na ako bilang teacher, well.. ang mga co-teacher ko ay hmm oh sya, inaantok na ako. need to park my eyes. ciao.