Monday, September 03, 2012

kanina pag gising ko, gusto kong burahin ang blog ko na ito. ewan ko ba, feeling ko nawala na ako eh. parang ibang daan na tong tinatahak ko. gusto ko ulit ng reset button.

kaya lang, hindi ako makakapag simula ulit pag ginawa ko yun diba? ang mangyayari lang non, tatakas lang ako. lilipat sa kabilang kwarto na mas malinis. hindi ako makakapagsimula talaga, pagtakas lang ang mangyayari noon.

ang hirap na kasi eh. ang bigat na sa pakiramdam. wala akong makwentuhan. kadalasan, isa sa mga dahilan kaya tayu nagku-kwento ay para makahanap ng kakampi o sasangayon sa opinyon natin. kaya lang hindi ako nag hahanap ng sisimpatya sa akin. ang gusto ko lang eh yung may makikinig at iintindihin. hay kalimutan na natin. hehe

salamat sa twitter ni jon avila sa picture na ito. hahaha

to happiness!! :)