Sunday, March 04, 2012

9 working days nalang sweldo na natin!

yan ang sinabi ng kabatch ko sa training nung friday habang nag hihintay kame sa training officer. natawa lang ako dahil excited kame lahat magka sweldo. ahahahaha

unang araw ko sa work nung thursday. at late ako ng 45 mins. nagtaxi ako mula sa gil puyat hanggang salcedo st thinking na mas mapapabilis ang byahe ko. pero mali ako, yung 45 mins na late ko, sa dela rosa st ko lang ginugol. sana nag lakad nalang ako mula sa kanto na may isuzu. malapit lang naman pala. haha lesson number one: pag late na, wag magtaxi. traffic sa dela rosa. di pala dapat 6:30am ang alis ko sa bahay.

while inside the training room at nag sasalita ang training officer eh may tumawag sa akin, yung company na pinasahan ko ng resume one day before my first day sa work ko ngayun. ang sabi eh nakapasa daw ako sa exam nila at naka schedule daw ako sa interview nung araw din na yun. pinaresched ko, march 6, 10am. gulat ako kasi apaka hirap nung pre employment exam nila. 7 sets ata yun, lahat nakakadugo ng ilong at utak. nakaka drain. napakain nga ako ng chocolate after eh. nakakatuwa lang, nile-lay hands ko kasi yung mga exam booklets non before ko buksan at sagutan. haha ayun, naipasa naman. salamat kay Lord.

nag edsa ako papauwi non, it took me three and a half hours mula ayala hanggang trinoma. nag bus lang kasi ako. hahaha pagdating ng trinoma, ang haba ng pila sa fx. at nang binabagtas na namin ang NLEX, nasiraan ang fx. nakauwi ako 10:30pm ata. ang out ko sa work ay 5pm. kumusta naman diba.

friday. second day. hehe 5am ako umalis ng bahay. ayun, 1 hour early ako sa work. kaya nag shopping muna ako sa watsons. bumili ng vanity kit. hahahahahaha sabi kasi nila lester ang laki na ng pores ko. gamit ako bb cream. hihi nung uwian na, dahil gustong gusto ko na humiga sa kama sa sobrang na miss ko ang bahay namin, nag desisyon akong mag mrt. lesson number two: makipag balyahan sa mga tao sa mrt. dahil una, binabalya ka na nila; pangalawa, para mapunta ka sa magandang lugar. dahil kung magpapabalya ka, mapipitpit ka. ikaw din kawawa. hahaha

ang saya lang magtrabaho sa makati. bagong environment. apaka daming tao. ibat ibang klase. may jologs. may feelingero. may mabaho. may oa sa pabango. may mukhang kumunoy. basta lahat na. ang init pa.