Wednesday, February 29, 2012

tinapos ko ang pre-employment requirements kanina. lakad-lakad sa makati. apaka init at nakakapagod. dae matataas na building. dae pedestrian lane. dae tao. hahaha nakatihan ko din mag pasa ng resume sa isa sa mga company don. iwan mo nalang resume mo sir tapos a text or call will be made in a week or two ang sabi nung babae sa reception. sabi ko nalang sa isip na bilisan nyo dahil sa thursday eh first day ko na sa work, meroon nalang kayung two days para baguhin ang desisyon kong pumasok don. haha after ko ng medical at hanapin ang equicom na parang tinaguan ako, eh umuwi na ako. kumain muna ako sa trinoma bago sumakay ng fx papauwi dahil sobrang nakakapagod at uhaw talaga naman ang makati. parang disyerto, ginto ang tubig! ahahaha so habang nasa loob ng fx at ninanamnam ang lamig ng ac, eh nag text ang kompanya at sinabing may interview ako bukas este mamaya eh bakit gising pa ako? haha 9am, bring resume, tor, diploma. haha ang bilis naman Lord ang nasabi ko nalang. kaya ngayun eh im having a dilemma. sigurado ko mas mataas ang sahod dito kesa dun sa isa. pero naka in na ako dun at dito eh di pa maliwanag. ahaha pareho naman syang makati, actually, walking distance lang sila sa isat isa. haha mukhang masaya dun sa unang kompanya lalo nat expanding sila, ibig sabihin mabilis ang promotion. eh dito parang ang lungkot ng office nila. parang holy week lang. hahaha Lord tulong? please? :))

maiba ako, kanina nag pa-medical ako. nurse ako, alam ko ang ginagawa sa physical exam. pero pongalangala, iba pala talaga pag ikaw na ang pasyente. inurungan ako ng balls. hahahaha pag pasok ko sa physical exam room:

doc: ok paki basa yung naka sulat sa dingding.
aj: *basa* "paki hubad ang lahat ng damit except ang brief o boxer *!@#$%&^ di nga? totoo to?*

hinanap ko ang lab gown, pongalangala, wala. exposed ako. haha buti nalang ayus yung brief na suot ko. edi nag hubad na ako.. took off the barong, the shoes and socks, the under shirt, then the pants. nung naka brief nalang ako..

doc: okay, maupo ka sa table.
aj: opo sir.

at nagsimula na syang mag PA. mata, tenga, lalamunan.. pinatayo ako at chineck ang lungs. tapos pinahiga for abdomen. then

doc: pakibaba yung brief mo hanggang tuhod. 
aj: opo.

hinanap ang femoral. sinalat ang ilalim ng balls. si junjun. tapos sabi tumagilit na ako at ibend ang knee. langya, eto na ang rectal exam.

doc: ididigital rectal exam lang kita.
aj: *silence*

napapamura ako habang ginagawa nya. masakit. hahahahahahahahaha parang ewan lang yung doktor, pinasok lahat agad. tapos okay na daw. bigla syang nag hugas ng kamay at alcohol. tapos walang binigay na tissue sakin pamunas sa pwet ko dahil punong puno ng lubricant. parang G*G* lang talaga. badtrip ako.