walang humpay na kwentuhan. tawanan. bully-han. at syempre lamon. haha since pumasok ako as a clinical instructor, funny lang kasi, mga kaibigan kasama ko tuwing vday. haha naalala ko last year naman, ang kasama ko eh si bab at lester. kumain kami ng mga sreet foods. tapos nag lakad sa Kapitolyo hanggang Crossing para lang bumili ng screen protector ng phones nila. tapos, i was asked by boi to buy a long stem red rose na ilalagay sa locker ni te rose since naka duty sya sa Bataan. hanggang ngayun, nakikita ko pa yung rose na yun sa locker ni te rose. sweet! haha
![]() |
| lechon kawali, kabiserang manok, at pansit bihon. |
![]() |
| si lester, si aj, at si te rose. |
anyway, lets talk about Kabisera. ang ganda kasi nung place, apaka homey bukod sa katotohanang masasarap ang food. para syang bahay na ginawang resto. too bad lang kasi walang TI :( sabi nung may ari eh madedemanda daw sila ng san miguel. masarap makipag date lalo na sa gabi, ang gaganda din ng mga pinapatugtog na kanta. tapos nung nag punta kame, nirerenovate yung isang side nung place, sabi nung may ari mismo, gagawin daw nya yung lugar na pwede ding kainan pero walang upuan. punong puno daw ng pillow at saka mag iindian sit lang kayu. hehe
| eto ang papunta ng Kabisera. from bsu, sakay ka ng jeep pa calumpit, baba ka ng alido, then tatawid ka at sasakay ng tricycle. pangalawang kanto sa kaliwa, corner, ayun na :) |

