Tuesday, January 24, 2012

umattend ako ng kasal ng isang kaibigan. hindi lang ako bsta attendee, ako yung bestman. hahaha


kaya kitang kita ko mula sa harapan ang lahat ng kaganapan, ang pag iyak ng couple sa msgs nila sa kanilang magulang. ang pag iyak ng mga nanay nila habang naglalakad sa aisle, at lalong lalo na ang you-may-now-kiss-the-bride. sabi ko nga kay pam, maeenjoy namin ang kasal yun nga lang, maiinggit kami sa napaka daming tukaan. haha

oh yeah, kailangan palang inumin yung wine dyan.
pag inom ko, para akong tumungga ng the bar.
nakita ko yung baso nilang tatlo, ubos.
samantalang ako, ang asim ng mukha. haha
ako nang clean living. ahaha

sabi nung book na nabasa ko: love is insecure until marriage. insecure saan? kelan? bakit insecure? pag sinabi mo kasing security sa isang relationship, meroon kang feeling of protection from hurt, jealousy, rejection, and from insecurity itself. a degree of protection coming the one you love. aminin natin, nagseselos tayo dahil alam natin na meroon yung taong pinagseselosan na sa tingin natin ay wala tayo. bakit ka naman magseselos sa panget at wala namang maibibigay, diba?

somehow, i felt envious watching them exchanging vows, kissing, and all because marriage gives security. naisip ko kami nga single padin. pana-panahon lang talaga siguro. nainggit ako kasi nandun na sila sa point of contentment and longs for another level. ironic diba, contentment tapos longing.  nainggit ako kasi feeling ko nasayang yung panahon ko kaka-focus sa work, nakalimutan ko ang sarili ko. nanghihinayang ba ako? -- hindi. eh kung sa ngayun palang binigay ni Lord yung para sa akin eh, i mean, His time is always perfect. naiinggit lang ako, yun lang. hahaha

i realized na tapos na talaga ako sa panahon na nakikipag laro pa ako sa pag-ibig tulad nung college, di lang magtama ang mga mata, makuha ang number, yun na. hindi ko alam kung anung nangyayari sa akin pero yeah seryoso ako this time. the future is so uncertain, i dont know what it holds for me pero yung uncertainty ng future ang nagbigay sa akin nung feeling na dapat this time, gawin ko lahat, na dapat seryosohin ko.

yung pakiramdam na sobrang sarap dahil nakahiga ka na sa kama after a long tiring day at work. yung pakiramdam na at last nasa bahay ka na at alam mong hindi ka na mapapano kahit naka boxer shorts ka lang. papakasalan kita.