mula pa nung nag aaral ako, hindi ko inaalala ang kulay ng balat ko, ang itsura ng mukha, ang buhok, ang damit, o kahit na anu pa man dahil wala akong pakealam. hindi dahil sa confident ako o kung anu pa man pero kasi hindi ako vain. ang gusto ko wash and wear lang lahat. walang hassle. bilisan nyo nga sa harap ng salamin, walang lalakeng tumatagal ng higit 5 minuto sa harap nyan ang tumatak sa isip ko na pahiyaw sinasabi ni dadi sa amin non. kaya siguro pagkaligo, lamay lang pinagsusuklay ko sa buhok eh okay na.
habang tumatagal, unti unting nada-damage ang puso, ay natuto akong mag gel na naging wax, mag cologne na naging paaarfume na, mag ahit ng bigotet balbas pati na rin pubes, na dati eh sabon lang tapos ngayun eh may batong kinikiskis pa sa balat at dalawang beses, take note. haha na dati gusto ko nagpapaitim pero ngayun nakapag gluta at nagkokojic pa, at natutong magpafacial. ang arti ko na. hahaha
sa mga lumipas na bwan, napapansin kong tumataba na talaga ako. na hinahabol ko na ang tatay ko. pero wala akong pakealam. sige lobo lang, sa part na ito wala pang bilbil oh hanggang nung isang araw na napansin kong pumapayat si bab at les. hanggang sa sabihan ako ni les na 4months na ang tyan at huwag ipaabort. hanggang sa mapansin ni panget na chubby na ako T.T hanggang sa makita ko ang picture ni ken na topless. hanggang sa sabihan ako ni ate rose na magpapayat para sa march. hanggang sa eto, oo na, magpapapayaaaaaaat na ako!
![]() |
| ayan, hindi ko na maitago ang kalobohan ko T.T |
