Friday, January 13, 2012

aj, anung gagawin ko?
saan?
unti-unti akong nawawalan ng tiwala sa kanya eh
kay ****?
oo. 

naiisip ko kung bakit nga kaya ang mga kaibigan ang unang nilalapitan ng iba kapag nag kakaroon sila ng problema sa lovelife. siguro kasi: una, naghahanap tayu ng sympathy, yung tipong kakampihan tayu sa mga rants natin. ay oo tama ka dyan tol. gusto mo upakan na natin?; at pangalawa, eh dahil naguguluhan tayu. tipong maghahanap ng magkakalma sa atin para maisip yung tamang gawin. ika nga, dont talk when youre mad. and dont make promises when youre too happy. either way, ang punto eh hindi ka dumeretso sa karelasyon mo.

sinabi mo na ba sa kanya yan? kasi alam mo napaka unfair sa part nya pag hindi mo yan sinabi. may doubt ka na pala pero hindi mo sya binigyan ng pagkakataon to reassure you na mahal ka nya. no matter how hurt the truth may be, sa isang relationship eh kailangan open ang communication nyo para matulungan nyo ang isat isa. matulungan ka nyang mawala yung doubt saka para maregain nya yung trust mo.