Saturday, November 12, 2011

nung bata ako, madalas sabihin sa akin ng mga matatanda na seloso daw ako pag na inlove dahil nakikita nilang nag papawis daw ang balat ko na tinutubuan ng bigote. hindi ko sila pinapakinggan. wala akong pakealam dahil nung bata ako, gusto ko maging mayaman na single. hahaha maharot kasi ako noon. 

meroong nakapag sabi sa akin na isa daw sa paraan para malaman mo kung mahal ka ng isang tao eh kapag nagseselos ito. whaaaaaaat?? eh hindi ako selosong nilalang. huhuhu dagdag pa nya na nakakakilig daw pag nag seselos ang mahal mo. napatahimik lang ako. 

naalala ko, nung mga unang relasyon ko ay apaka seloso ko. away na agad kapag nakakita ako na may ibang lalakeng kausap si First kahit mas panget sa akin at mukhang uling. nag ngingitngit ako pag lumalabas ang dimples ni Second dahil napapatawa sya ng iba.. hahahaha pero natutunan kong hindi maging seloso habang tumatagal at palitan ng pagtitiwala ang selos. may plano pala si Lord don. kasi bigatin ang lablayp ko ngayun. sobrang bigatin gusto kong tanggalan ng esophagus lahat ng tumitili sa kanya. patirin lahat ng tumatakbo papunta sa kanya. at itapon sa tubig lahat ng camera ng nag papaicture sa kanya. at salpakan ng nagbabagang uling ang bibig ng mga humahalik sa kanya. ay teka, hindi nga pala ako seloso. calm down. hahahaha