pinag lalaruan ako ng tadhana.
bakit kailangan mong masaktan at umiyak kung ang tanging bagay lang naman na ginawa mo ay ang mag mahal? mali bang magmahal ng totoo? sabi ng nanay ko gwapo daw ako, pero bakit ako yung laging umiiyak -- bakit hindi ako ginawa ni Lord na ako yung nag papaiyak? sana ako yung lumilinya ng tol, pustahan tayu mapapasagot ko yan, 2,000php oh.. o kaya yung sabi nga di ba collect then select, kasama ka sa koleksyon ko pero hindi ikaw yung pinili kong best.
nag text si fourth, humihingi ng tawad sa akin at pinatawad ko naman. ewan ko ba kung anong pinakain sakin non at hinabol ko naman, sabi ko ayaw kong mawala ka ulit. mag stay ka naman kasi masasaktan nanaman ako. aba sagot ba naman sakin eh hihingi lang daw sya ng tawad at lalayo na daw sya. kalimutan ko nalang daw na nakilala ko sya. parang tanga lang ako. after few seconds at umiiyak na ako, ay may nag text sa akin. si second. humihingi naman sya ng another chance sa akin. sabi ko eh maging mag kaibigan nalang tayo.
bwisit lang diba. hinabol ko yung isa, ayaw. to namang isa humabol eh ayaw ko naman. pinag lalaruan mo ba ako tadhana?