Saturday, September 24, 2011

open heart.

maybe i need a medical imaging technique to visualize the inside of my heart chambers. traditionally done by injecting a radio-opaque contrast agent into the blood vessel and imaging using X-ray based techniques such as fluoroscopy. in short, angiography (definition by wikipedia). para lang makita kung gaano na ba ka-sira at pagod na ng puso ko. may mag mamahal pa ba ng second-hand heart?

alam kong fair si Lord sa lahat ng bagay. pero anong binigay nya sa akin para hindi ako maging deserving sa isang serious relationship?

ang sakit sakit na eh. sa sobrang sakit hindi ko na magawang umiyak. napapadukdok nalang ako sa tapat ng laptop ko, nag lalakad ako hanggang kanto na akala mo isang zombie sa sobrang bagal. tinatamad mag salita. nainis sa mga kabobohan ni willie revillame at pnoy. nag mumuni-muni at pinipilit ipukol sa sarili na tan***a, hindi ko deserve ang masaktan. napapaisip din ako kung karma ko ba ito - pero anung ginawa ko para makarma? wala pa akong niloloko, hindi pa ako nag tu-two-time. i have always been true. syet lang talaga.

heartbroken mini me :((

nasasaktan ako. natatakot ako na baka kapag dumating yung tamang oras na andyan na yung tamang tao, maging matigas ako. matakot. madaling mapagod. dahil ayaw ko ng masaktan. akala ko natuto na ako sa mga past relationships ko. naranasan ko ng ma-two-time. naranasan ko ng ipag palit sa kaibigan. maging panakip butas. naranasan ko ang long-distance relationship. naranasan ko ng mapag pustahan. ang drama ko na. tama na.

alam mo, sa sobrang sakit eh mas gugustuhin ko pang napulan nalang ng femur kesa dito sa sakit na nararamdaman ko. last na yun. drama na. ahaha