Saturday, April 25, 2026

para sa akin, ang Friday ay maihahalintulad sa pakiramdam na ihing ihi ka sa loob ng isang mall pero wala kang makitang cr. 

yung binibilisan mo ang paglakad. pinipigilan mong maihi. tapos hinahanap mo kung asan ang cr.

nung makita mo, nagmamadali kang pumasok sa cubicle. binaba mo yung zipper na sobrang bilis. hanggang sa lumabas na yung ihi mo, tipong mapapahawak ka pa sa pader, mapapapikit, maluluha at mapapabuntong hininga sa sarap. 

yung feeling na yun, yun ang Friday.