binasa ko mga previous posts ko, natatawa ako sa karamihan. kinikilabutan. napapa "nge". pero di ko naman sinabi na "ang bobo ko pala nung araw". karamihan ng mga opinion ko non, same naman, pero refined na.
mahilig padin ako mag tanong sa sarili ko kung masaya ako -- sa trabaho, sa pamilya, sa sarili ko, sa mga kaibigan ko, hmm basically, kung nasaan ako ngayun. haha
kung babalik ako sa 2014, at hahanapin ko ang sarili ko, for sure eh nasa Meycauayan Zamora branch ako.
makikilala ko ba ang sarili ko? eh oo.
kakausapin ko ba ang sarili ko? eh oo.
papayuhan ko ba ang sarili ko? hindi siguro. kasi sure ako, hindi ako makikinig sa future na ako. haha
napaisip ako if eto ba yung buhay na pinangarap ko 12 years ago. nakakaproud ba? matutuwa ba ako? may sobra? may kulang? ang daming nangyari eh.
nainlove.
nadurog.
nagka pandemic.
nagkakotse.
nabangga.
naospital.
napromote.
betrayed.
naging top bankwide.
napagod.
umiyak.
after 12 years, isang bagay lang ang constant sa akin.. ang pagtatanong kung masaya ba ako.
pilit kong inaalala kung bakit buhayligaya ang pangalan neto. nakakatuwa lang kasi parang yun ang life mission ko, ang maging masaya.