Saturday, August 17, 2013

On spotlight and out of focus. On writing and freedom.

Napansin kong wala na ulit akong viewer dito kaya masarap na ulit mag sulat. For some reason, napaka daming nangyari sa buhay ko nung mga oras na nasa hype ako ng pagsusulat: kinilig; nainloved; umiyak; umaway ng manager; napatalsik; nag work sa makati; nag-awol; nawalan ng cellphone; at mga ibang bagay na sasalamin sa immaturity ko. 

Nakakatawa pero naisulat ko dito ang karamihan sa mga major "u-turns" ng buhay ko. Yes, may mga binubura akong blog entries. Yes, nakasakit ako. Yes, naapakan ko ang opinion mo.. and yes, you may park your eyes here but never open your mouth.

Ayoko nang nasa center of attraction. Para akong etits na umuurong sa takot o lamig kapag ganon. Ayokong pinag uusapan. At yun ang dahilan ko kung bakit ilang bwan din akong walang pinopost. Nung mga huling posts ko, apaka walang kwenta.. puro pictures. Dumating kasi sa point na natakot akong mag salita at ibahagi ang sarili ko, baka kasi meroon akong masagaan.

I was afraid. I am, still.

Freedom is a huge word. And it is something given to us. It is not a privilege nor a human right. But something money can buy. Ironic diba? Hindi tayu malaya, mula sa pag gising mo sa umaga, nagmamadali ka para hindi ma-late sa trabaho. Wala kang kalayaang pumasok sa oras na gusto mo. At ginagawa natin yan for survival. 

We make choices because we want to survive. We move forward because we want to live. We push ourselves because of greater opportunities. And having a choice is not having freedom for at the end of the day, irregardless of the choice we make, there is only one end-point -- death.