on what ifs and being lost.
madami ka rin bang what ifs sa buhay?
- what if hindi yon ang kursong kinuha ko.
- what if nag aral akong mabuti.
- what if hindi ako dito nag tatrabaho.
- what if tinanggap ko yung offer nung isang company.
- what if mag apply ako for a higher position. or a lateral transfer.
- what if matulog na ako dahil may pasok pa ako bukas?
all these questions ay nagmula lang naman sa "hindi ko gusto kung asaan ako ngayun". not that you dont like your job blah blah pero alam mo yun, hindi ko to gusto kasi hindi ito ang pinangarap ko sa sarili ko kind of thing.
madami kang what ifs kasi palagi kang tumitingin sa nakaraan. that is a fact. sa sobrang dalas mong tumingin sa iyong likuran, hindi ka tuloy makausad paharap. ang mga opportunity na para sa iyo ay nakukuha ng iba dahil sa likuran ka nakatingin, huli na para makahabol pa, pagsisisi nalang ang tanging magagawa.
instead of having this pagsisisi, you should start telling yourself to open thy eyes and see the great future ahead of you. but what if )*#&^$^% bleeeep ok, no more what ifs.
lost is the tamang word na gamitin para sa mga kaluluwang tulad kong sinunod ang magulang noon na kuhanin ang kursong nursing. oooops. i am proud to be a nurse. i am a nurse. dont get me wrong. bakit lost? tanungin mo ang mga registered nurses na nasa bpo industry. ang mga nurses na med rep, na nasa sales (ahem. haha), ang mga nurses na tambay. ask them, and feel their pain. chos. haha maswerte ka kung nursing talaga ang gusto mo. naeenjoy mo :)