Monday, August 13, 2012

Yesterday, ibinaba na namin si lola from second floor dahil nga sa pinasok ng baha ang unang palapag ng bahay nya na hanggang bewang (epic yon!!).. Nung inayos na namin sya sa kama, at nanunuod na ng tv, at napakain ko na sya through NGT. Naisipan ko syang kultin at tanungin ng kung anu-anu.. Hahaha

Aj: kumusta ka naman lola dun sa taas nitong mga nakaraang araw?
Lola: okay naman.
Aj: nakakakain ka ba dun? Nalilibang ka ba? Nakakatulog ka ba?
Lola: di ako masyadong nakakatulog.
Aj: oh, anung dahilan naman di ka nakakatulog ngu mahimbing?
Lola: ganun talaga pag matanda na eh. Matanda na ako.
Aj: ilang taon ka na ba?
Lola: 47.
Aj: (laughing) di ka 47 lola.. (presenting reality. Hindi ko sya binubully. Hahaha)
Lola: bakit, ilang taon na ba ako?
Aj: tumataginting na 84 ka na.
Lola: (with mukhang nagulat. Nakasalubong ang kilay.kunot ang noo. Nakatitig sa akin) totoo? Kaya pala.
Aj: kaya pala ano?
Lola: kaya pala wala na akong panlasa. Akala ko nakalimutan ko lang lagyan ng asin yung niluto ko kanina.
Aj: anu bang niluto mo kanina?
Lola: nakalimutan ko na eh.
Aj: (laughing again) nagiging makalilimutin ka na, kasama ba yan sa pagtanda?
Lola: di pa ako matanda, 47 palang ako.

Hahaha break it down. Di ko na sya nakakausap madalas, dahil palagi syang tulog pag ako bantay. Magigising lang pag papalitan ko ng diaper o kaya papalainin ko. Sabi ni dadi at mami, kada daw tatanungin nila kung sino sila kay lola, palagi daw aj ang sagot. Kaya pag tinaanong ko kung sino ako, syempre tama sya "si aj" ang sabihin nya, natutuwa naman ako kasi tama. Haha uto lang ako. Hahahahahaha

Pag tinatanong ko sya ng "lola, papautangin mo ba ako ng pera?" umo-oo naman sya agad. Pero pag sasagutin ko na yung tanong nya kung magkano, "lola, 10,000" mapapatahmik sya at tititig nanaman sa akin. Sasabihing "wala kang pambayad" hahahahahaha