Saturday, July 28, 2012

dahil sa hindi nursing ang talagang kursong gusto ko nung mag ka college ako, naisip ko tuloy paano kung architecture nga ang kinuha ko, asan ako ngayun? paano kung ang second choice ko na foreign service and international social services. asa pilipinas pa kaya ako?

masaya akong maging nurse. tinuruan ako ng maraming bagay nito tulad ng kung paano makipag usap sa kahit na anung klase ng tao. wala akong pinagsisihan, hindi rin ako nag wha-whine dahil sa nangyayari sa akin ngayun. naisip ko lang. random thought. hahahahahaha

siguro kung ako ay isang architect ngayun, malamang sa malamang mahaba ang buhok ko. mala F4. siguro nag ba blog din ako. pero madaming magagadang damit, mga long islibs, coat, at tie. hahaha walang pants. hahaha siguro naka reading glasses na din ako ngayun plus apaka daming naka kalat na ruler, papel, drawing board dito sa bahay. hahaha at malamang sa malamang nyan, sa akin magpapa drawing si mami ng dream house nya. hahahaha

kung ako naman ay naging cabin crew ng isang airline company.. either may HIV na ako ngayun at walang trabaho o may magandang katawan na sobrang playboy. hahaha siguro nasa mga international flights na ako at kung san-san na ako napuntang bansa. pero i missed all the happenings dito sa pinas. walang pasko. walang new year. either madami nga akong pera pero malungkot ako. haha well, okay na yun kesa ngayun na wala akong extrang pera, hindi pa ako masaya. haha

iniisip ko kung wala ako ngayun sa kinakalalagyan ako, asan kaya ako? ano kaya ako? masaya kaya ako? o mas malungkot pa kesa dito? kung hindi ko pinag daanan yung mga dati kong drama sa buhay, mga kinaaway, mga napanood at napuntahan, ako kaya ay magiging ako ngayun?

ikaw ba, naisip mo ba kung halimbawang hindi ikaw yan, sino ka kaya? hahaha tae. corny. ahaha