masarap sa pakiramdam yung tipong may magtatanong sa iyo kung nakauwi ka na ba. yung magdedemand na sunduin mo sya sa terminal o kanto. yung taong magtatanong kung kumain ka na ba. tipong araw-araw, hinihintay mo ang mag gabi para kahit sa text ay masolo nyo ang isat-isa, kamustahan hanggang may antukin na isa at sabay kayung matutulog. yung magtatampo kunwari kapag nakatulugan mo. yung hihintayin ang text mo sa umaga. at mag a-i love you..
kadalasan, sex ang hanap ng mga tao sa isang relasyon, nawawala na tuloy ng saysay ang pagiging romantiko, mas nagiging mahirap mag tiwala, mas nawawalan ng ibig sabihin ng salitang pag-mamahal. nagiging batayan nalang ay ang compatibility sa kama.
may mga tao na ginagawang refuge ang sex. minsan, hindi nila ito kagustuhan. may pakiramdam sila na accepted sila kapag ginagawa nila yun. may taong tanggap sila sa kabila ng katotohanang huwad lang ang lahat. at paunti unti sila nitong pinapatay hanggang sa mawalan na sila ng pag asa.
lahat tayu ay kailangan ng kahit isang tao na maniniwala sa atin. bukod sa magulang natin, isang tao na maaari mong sandalan. iyakan. akapin. tawanan. yung kasama mong maglakad ng nakahawak sa kamay. yung tatapikin ka sa ulo mo kapag sobrang frustrated ka at sasabihing kaya mo yan, may tiwala ako sa iyo. minsan nakakawalang gana na maghintay o sumubok pa. nakakapag taka lang, lahat naman tayu naghahanap ng isang seryosong karelasyon, pero bakit pag andyan na, tila apaka hirap mag adjust? tapos isa sa options mo ang makipag hiwalay? tipong wala ng pag asang mag-meet halfway?
kung mag asawa nga nag hihiwalay, mag syota pa kaya?? - yan ang banat sa akin ng isa kong kakilala. at nakakatawa, minsan nasabi ko dito sa blog ko na madaling mahuli ang manok pag nakatali.. nakakatawa.