Thursday, May 10, 2012

hindi ko alam kung bakit pero nadadalas na..

pag nakapila ako sa sakayan ng fx sa trinoma papunta ng st. michael-sm marilao, kadalasan, ako ang tinatanong kung anong pila iyon (mahaba kasi pila ng pa sm marilao dun at medyo mahirap talaga malocate dahil dikit dikit ang mga pila. ako din naman minsan nag tatanong).


naiinis lang ako kasi una, alam nilang may suot akong head set at nakikinig ng music, apaka obvious kasi sa akin pag ganun dahil napapaindak ako sa music kahit asa pila, and yet sa akin sila mag tatanong. haha

tapos kanina, dahil gusto ko ng pizza, bumili ako nung buy one take one sa pizza hut na 55 pesos lang. dahil ubod ng haba ang pila, dun ko na sya kinain. naka suot pa din ako ng headset, nakikinig ng music, umiindak-indak, ng may kumalabit sa akin. nag tatanong kung sm marilao. napikon ako, kasi saktong sumusubo ako ng pizza ng nag tanong sya. di ako nakapag salita dahil may laman bibig ko, natawa sya. nabwisit ako. kaya nung magkatabi na kami sa fx, dinaganan ko sya ng braso ko. hahaha