nagpunta ako sa kanila dahil gulong gulo ako. alam kong ginagamit ko lang sya pero anung magagawa ko, sya ang fallback ko, i need someone to help me move-on. galit sya nung dumating ako dahil 1 hour late ako, kasalanan ko ba yon kung traffic at rush hour. nalungkot ako. pagpasok sa bahay tinuro lang nya kung asaan ang banyo, sinabing andun na yung twalya at mag shower na ako dahil matutulog na sya at 4am pa ang pasok nya bukas. nalungkot ako lalo dahil wala man lang warmth o kahit man lang kaplastikan na masaya syang nakita ako.
after shower, pumunta na ako sa kwarto. nakahiga sya sa kama na para bang walang matutulog na iba. tumayo lang ako sa gilid at nagkunwaring may tinetext. hanggang sa sinabi nyang humiga na din ako sa kama. inaantok na ako sabi nya. ok lang, pagod din naman ako sa byahe ang sagot ko. hinalikan nya ako sa pisngi. hinawakan ang bewang ko. dumantay sa dibdib ko. naluha ako.
sinabihan akong mahiga ng maayos at hinawakan nya ang kamay ko. gusto kong matulog na nakahawak sa kamay mo, ang gaang sa pakiramdam ang sabi nya. hindi ako umimik dahil tinamaan ang puso ko non. maya maya pat inakap nya ang braso ko, hinalikan ang kamay ko at dinantayan ang hita ko ng hita nya. i love you ang sambit nya habang ako ay kunwaring tulog na. nang marinig ko syang humilik, di ko na napigilang umiiyak. ikaw ang iniisip ko habang hawak hawak nya ang kamay ko. boses mo ang naririnig ko sa bawat sabi nya ng i love you. nalulungkot ako dahil hindi ikaw yon.
----
tumambay kami sa trinoma kagabi. napag bulay bulayan ang salitang move on, moving on, moved on. haha sabi ng isa, kailangan settled muna ang feelings mo before you enter yourself into another relationship. unfair daw yun sa isa, at masasaktan mo lang sarili mo dahil tulad ng kwento ko sa taas, yung mahal mo ang maiisip mo habang kasama mo sya. hindi mo daw sya mahal kundi yung katotohanang may resemblance sya sa ex mo. naaah minsan kasi may mga tao na after breaking up, kailangan may kapalit agad to envelope rejection superficially and feel accepted until such time na nakapag moved na.
to move on is a decision. unless you want to linger more on the memories or onto the what might have beens, iiyak ka lang. kung ilulugmok mo ang sarili mo, baka hindi mo makita ang taong para sa iyo pala kasi busy ka pa kakaiyak dahil sa kanya. haha sabi nga nung kanta, we found love in a hopeless place. ahaha at napaka sarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nasa punto nang ready ka na ulit magmahal :)
