Friday, March 09, 2012

weeksary! haha

march 1 - 8:45am - 5:10pm
march 2 - 7:34am - 5:02pm
march 5 - 8:12am - 5:07pm
march 6 - 11:43am - 5:07pm
march 7 - 7:52am - 5:06pm
march 8 - 8:21am - 5:14pm

sa isang linggong pagtatrabaho ko, dalawang beses considered absent, isang beses na half day, at isang beses na late. ang ganda ganda lang ng record ko diba. hahaha wag nyo kong gayahin ha. hihi sana this coming week eh okay na ang maging record ko.

anyway, sa araw-araw na pagbili ko ng ticket sa lrt at mrt, naisipan kong gumawa ng experimento. hehe ang ngumiti at mag good o good afternoon sa magbebenta ng ticket sa akin sa window.

mam good morning po, gil puyat po.


sir good afternoon po, north ave po.

nakakatuwa lang, it never fails to make them smile. tapos titingin sila sa akin tapos parang aaliwalas ang mukha nila. naisip ko kasi, sa dinami dami ng inaabutan nila ng ticket, may nag thank you kaya sa kanila ni minsan? o kaya sa 8 hour na duty nila, may bumati man lang sa kanila at nag sabi ng God Bless you? nabasa ko kasi sa isang libro na nakakabawas ng pagod kapag may total stranger na nag greet sa iyo tapos nginitian ka. nakakawala daw ng problema.

pero syempre pag dating sa pila at sa loob ng tren, hindi na pwede ang goodmo-good morning, balyahan na syempre. haha nung isang araw nga, meroong pumilang babae sa lugar ng mga lalake, kitang kita ko kung paano sya tumatalsik sa balyahan ng mga lalake.. pag pasok nya sa tren edi nagbunganga sya, wala man lang gentleman dito, alam namang may babae nanunulak pa ang kanyang sabi.. sa isip isip ko lang eh choice mo yan, bakit di ka nag taxi o kaya dun sa lugar babae pumila. at maya maya may napundi siguro na isang manong, ang sabi nya next time dun ka sa pangbabae sumakay.

hahahahahahahah may kwento pa ako, tungkol dun sa isang babae na ubd ng arte na kasama ang isang dickhead nyang bf sa mrt.. kaya lang 4:30am na pala. teka, liligo na ako ha.