put***ina mo! ang luwag luwag pa hindi ka pumasok!
para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan kong platform habang nag hihintay ng tren sa lrt ng isinigaw sa akin yan ng isang tao sa likod ko. eh kung gumising ka ng maaga, di ka sana nag mamadali ngayun ang aking sagot sa kanya sabay bigay ng kuya-first-time-ko-sa-lrt-ng-monday-at-ng-ganitong-oras-kaya-maawa-ka look. hahaha pero bumubulong bulong pa sya sa likod ko. badtrip. pero hinayaan ko nalang at nag ready para sa isang makabuqwis buhay na pag pasok sa tren.
so eto pala yung ginu-good luck sa akin nung supervisor ko. haha nakita ko yung katabi kong student ng ust na nakipag balyahan pero sinuka din papalabas sa tren sa sobrang puno na. naawa ako, yung t square na hawak nya parang nabali na ewan. yung uniform nya eh natanggalan ng butones.
naisip ko tuloy na ang character talaga ng tao ay nagbabago dipende sa sitwasyon sa kung nasaan sya. kapag nape-pressure sya, kapag nafu-frustrate, kapag nalulungkot, kapag galit. nakapag reflect tuloy ako, nasabi ko kasi kay bunso nung isang araw na hindi na ako papayag magpaagos sa daloy ng pagpasok ng tao sa tren sa susunod. traumatic kasi nung minsan. haha sabi ko, makikipag balyahan din ako para makipasok sa gitna ng tren at maging komportable. which is, ginawa ko kanina nung papasok sa work. haha
--
kwentong lrt lang ulit. ang daming ipokritong tao. usually kasi pag dating ng un avenue station, may mga mauupuan na sa tren at sa di ko malamang kadahilanan ay may mga taong ayaw maupo kahit asa harap na nila yung upuan. wala namang babae na dapat ibigay yung pwesto. samantalang kanina binubuwis ang buhay para makapasok. and i bet, gusto din nyang maupo para maging kumportable. hahahaha