Tuesday, March 27, 2012

kwentong byahe..

lately, napansin kong mainitin ang ulo ko. mabilis akong mainis. nag aalburoto agad. hahaha

routine na sa akin ang mag round trip sa mrt pag umuuwi, from ayala to taft to north ave. yun eh para maiwasan ang pag bubuwis buhay ko sa siksikan ng mga tao sa loob ng tren. kanina sa mrt, may tumayo sa harap ko na babae. kaedaran ko ata. naka mini skirt. red lipstick. high heels. di kagandahan. maputi, salamat sa bb cream. naka mp3 ako kaya di ko nakakarinig ng kahit na ano ng maramdaman kong nadadalas ang bunggo nya sa tuhod ko at may kasama pang apak sa paa. tinanggal ko ang headset ko, inobserbahan ang babae at po*a tama ako, sinasadya nga. tinignan ko sya like a mad man wrestler playing for hell-in-a-cell of wwf. hahaha nang bigla syang nagsalita. malakas. "apaka ungentleman mo, di mo ba nakikita na babae ako?" at ang pisi ng pasensya ko ay napigtas.. sumigaw ako. parang kakainin ko sya. sabi ko "tanga ka ba? cart to ng mga lalake, kung babae ka, dapat andun ka sa unahan" hahaha at hindi na sya nag salita.

pag baba ko ng mrt sa north ave, yung pila sa labasan, apaka daaaaaaming singit sa pila. nang yung sumingit sa harap ko ang nagpasok ng card sa machine, rejected. tumawa ako ng malakas at sinabing "sumisingit ka kasi".. haha tumingin lang sya ng masama. waahahahaha

sa van naman. dun ako napaupo sa unang row sa loob. katabi ako nung sliding door kaya kapag may bababa, ako ang nag bubukas ng pinto. sa may tollgate ng meycauayan, bumaba ang babae na nasa kaliwa ko. kaya bumaba din ako para di nakaharang sa pag baba nya. aba, dere deretso sya papalayo. sa inis ko sumigaw ako sa kanya "miss, miss, miss, may naiwan po kayu sa van"... syempre, bumalik sya. pag tapat nya ng pintuan sabi nya "anu po yun?", sumagot ako ng "yung pinto di mo sinara. di mo ko binayaran para pagbuksan at pagsaran ka ng pinto" hahahaha ayun, nag dabog sya. kaya yung mga sumunod na bumaba, sila nag sasara ng pinto. hahaha napapangiti tuloy ako habang sinasara nila. hahahahaha

lahat yan, kanina lang nangyari. hahahahahahaha palibhasa kulang ang nakain kong lunch eh. huhuhu