naka upo ako sa tabi ng kama ni lola at habang nag i-skip ang heart beat ko sa panonood ng mission impossible 3 ng bigla akong tinawag ni lola para tumabi sa kanya at hawakan daw ang kanyang kamay.
mahigpit nya akong hinawakan. tapos tinitignan nya ako ng para bang sinasabing "mahal kita aj. alagaan mo dadi mo" .. kinilabutan ako. tinitigan ko dibdib nya baka kako hinihika saka pinulsuhan, normal naman lahat.
"lola, wag muna. ako lang mag isa dito, hintayin mo makadating si dadi para may kasama ako" sinabi ko sa kanya yan habang kinakabahan. hindi nya tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko kaya tinanung ko na.. "la, may problema ka ba? may masakit ba sa iyo ngayon?"
"tumatae ako, kunin mo arinola at mag huhugas ako mamaya"
natawa pa ako ng malakas. kaya hinintay ko syang matapos pumoopoo tapos hinugaan ko at pinaltan ang diaper. naupo ulit sa upuan at pinagpatuloy ang panunuod ng movie. kala ko yun na eh, poopoo lang pala. hahaha