Friday, December 30, 2011



dae nangyari sa akin. nagsimula ang taon ko na napaka dae ng stressors sa work, na-adik kame sa bakerking, natrauma kay mama susan, bagong stoke si lola.. hahahaha kalagitnaan naman ng taon ay nawalan ng trabaho, nadisappoint ng maraming tao, at nagsimulang tumaba. nang patapos na ang 2011 ay may ka-i love you-han ako :P laaande! 

these are the people of my 2011. significant. negative. positive. whichever. basta they played a big role sa buhay ko last year.

syempre ang aking super friends :))
madalas ko silang mabanggit dito sa blog. L to R: si mutya na buntis, may blog sya, eto. si joicy na mahilig sa self-inflicted pain. si dyosa na walang favorite son na nasa singapore. si bab na dora ng dora at palaging may cravings at nagjojoke na mag da-diet. si lester na napaka vain. si ate rose na color coordinated ang lahat ng gamit, eto naman blog nya.. at si boi na maikli ang attention span. hehehe mahal ko sila :)

mula ng May 2011, sa bawat lakad ay nililibre nila ako. nakakahiya, oo. kaya nga tinatanong ko sarili ko kung ano bang nagawa ko sa mga tao na ito at ganito nila ako itrato. sa naaalala ko, tumatawa lang ako palagi ng malakas. hahahaha salamat kay God at binigyan nya ako ng mga kaibigan na tulad nila.

iba iba kami ng ugali, natatawa nga ako kasi madalas kaming magbangayan ni dyosa sa text. yung feeling na sinisigawan ako nung mga text msgs nya. tapos madalas akong mabully ni les at bab. nakooo.. haha


loida crespo
the dean of the college of nursing kung saan ako nag work :)) we are all different in many aspects and we should use that as an opportunity to learn, understand, and extend our hands if needed. not to look down on people and belittle their capacity for none is above anyone else. that many can see but only few understands. she is not my mentor or anything close to that, but she made me a better person. indeed. i learned a lot from her that if my time comes to lead, it will be useful to understand my team better. 


al
si al at ang blog. salamat kasi nung mga panahong bitter-bitter pa ako sa pagkawala ng trabaho, pinapatawa mo ko sa pamamagitan ng mga blog mo. damang dama ko din ang mga ka-emo-han mo nitong nagdaang bwan. humuhingi ako ng tawad. hopefully, madami pang blog post at hindi ka mag sawa :) salamat sa napaka gagandang drawings :) God Bless You sa mga susunod pang projects. 


ang aking lola 
isa sa mga nakikita kong dahilan kaya ako siguro nawalan ng trabaho ay para mabantayan sya: sa bahay man o ospital. nakakatuwa ang mga experiences ko kay lola. nababasa naman dito ang karamihan. ang higit sa isang bwan kong pananatili sa ospital kasama sya eh nagpakita sa akin kung gaano kahalaga sa isang tao ang meroong kausap. yung tipong nakikinig sa mga istorya nila. ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento sa buhay, katagumpayan man yan o pagdurusa, ang importante ay may nakikinig sa kanila. nakakagaang ng loob ng kapwa yung tipong maupo ka lang sa tabi nila at makinig. na nakakapag pabago to ng aura ng isang tao. makikita mo silang unti unting ngumingiti. mamaya maya buddy-buddy na kayo. hehehe