Pabango.
Before, ayoko ng nagpapabango dahil malalabel ka dipende sa gamit mong paaarfyum na everytime makaka amoy ang ibang tao ng ganong pabango, ikaw maaalala.. Para bang generic. Hahaha pero everytime nalang na may maglalakad sa harap kong may suot na pabango tapos tipong malayo na sya pero yung amoy kumapit sa ilong mo eh naiinggit naman ako. Sana ako rin ang sabi ko sa sarili.
Minsang umuwi ako sakay ng fx mula the block, bago pumila eh nagpabango ako, bulgari aqua (1,200 lang sya sa s&r) hahaha, sinubukan kong maging kaakit akit naman. So success naman, nangangamoy ang pabango ko sa buong fx. Prior to that nung nakapila, nakita kong inaamoy nung nasa harap ko sarili nya then tingin sa akin. Gwapo ko no? Ang sabi sa kanya. Joke lang. Hahaha pati yung kumukuha ng bayad same ang ginawa.
Pero yung katabi ko sa fx, babae, sales lady sa dept store, mukhang below minimum ang sweldo pero manila rate, mahaba buhok, payat, may jowa dahil palaging nagtetext. Pero ubod ng arti. Alam mo yung dry cough? Ganun sya ng ganun. Tapos yung buhok nya tinakip sya ilong at bibig nya. Medyo nairita ako kaya inalok ko sya ng halls menthol. Sabi nya 'no thanks'.. Natawa ako. Gusto ko sanang sabihin na 'sige ang arte mo, mag dusa ka dyan sa social climber mong lalamunan'..
Anyway, somehow, naisip ko na parang nakaka intimidate yung nangangamoy ang pabango sa loob ng fx. To think na rush hour yon, gabi pa. Kung saan ang lahat pagod at amoy pawis. Lahat iniisip ang ulam sa bahay at ang kama. Pero naisip ko din na hindi naman ako naintimidate don. So bura bura bura nalang. Hahaha