Saturday, October 15, 2011

lola.

nakatihan ko lang mag kukuha ng picture sa paligid ni lola. ayoko ding tumayo sa upuan ko, tinatamad ako dahil sobrang mahangin sa room. saka ang mga huni ng ibon parang dinadala ka sa langit. no wonder maraming namamatay sa veteans. hahaha

ang hallway ng ward 12.
diba parang setting lang sa isang horror movie. 

eto parang nokia lang, connecting people.
napansin ko, nag re-regress si lola, parang newborn,
pag hinawakan mo kamay nya, nag ga-grasping reflex. 

yung bukol na yun eh nasunog dahil sa gamot.
day off ko nung friday, pag balik ko ng saturday, ayan na.
kita nalang tayu sa korte!!

si lola yan at ang kanyang id. nakita ko pa ang OB Scoring nya. adik lang.
sept 27 pa pala sya nasa ospital. 

ang kanyang OF.
nung una eh banana based.
sumunod eh itlog based.
tapos yan eh milk. ayun.

dahil manas na ang magkabilang braso ng lola ko,
eto naman ang mu-murderin nila.
sabi ko nga dun sa doktor,
"eh pano yan pag namanas ulit, cephalic na?"

ang iv ni lola. "pagkain'' daw sabi ng mga nursing attendant.
nabwisit ako isang araw, kaya sumagot ako
"kung pag kain yan, bakit pa sila may rasyon ng pagkain,
alam mo yung salitang dehydration? i-google mo"
joke lang yun syempre. :))

* joke lang din yung OB Scoring. wala non. haha