Saturday, October 29, 2011

inilipat kami sa semi private room, medyo nalungkot ako kasi nabawasan ang mga kaibigan kong lola at kakwentuhang bantay. apat nalang ang bed sa room, bagong mga mukha, mag sisimula ulit ako.

dumating ang araw na yun nga, magkakaututang dila na kaming apat na bantay:
- bed a: gay, early 30s, public official
- bed b, male, early 50s, aircraft engineer.
- bed c, female, early 30s, mother of 3. bum.
- bed d, male, 26, cute, bum (ako yon. hahaha)

madaming napag kwentuhan pero paborito ata ang lovelife. di ako nag ku-kwento pag dating dun. tumatawa lang at nag ko-console. nakikinig. hehehe hanggang sa may ginawa si bed a at bed b. kami ni bed c ang nagkwentuhan. may tanung sya: anu ang sikreto for a till-death-do-as-part relationship. eeeh hindi ko din alam ang sagot kaya sinabi ko nalang na sana nakakpg salita pa tong mga lola natin para tanungin sila kasi nagawa nilang tumanda na mahal na mahal nila ang isat isa ng mga lolo natin. at sumang ayon naman sya.

tumabi ako kay lola sa kama kasi gising naman sya, tapos nakita ko mata nya, parang nag aalala o may iniisip. nag tanong tuloy ako.

aj: lola, anung inaalala mo? may iniisip ka ba?
lola: oo, nasaan si dadi? (dadi = lolo ko, asawa nya)
aj: eh asaan nga ba?
lola: nag layas nanaman yon. itayo mo kot hahanapin ko.
aj: anung dahilan hahanapin natin?
lola: mahal na mahal ko yon (nagulat ako dito sa sinabi nya na 'to, sa totoo lang).. at kinikilig yon pag nakikita ko sya (natawa naman ako dito.haha)
aj: mahal na mahal mo si lolo? anung dahilan?
lola: eh asawa ko sya. 
aj: hmm anung sikreto lola tumagal ang pag sasama nyo ni lolo? 
lola: si Lord.
aj: si Lord ang una tapos yung pangalawa ay ano?
lola: tiwala. wag na wag kang mag seselos at mag iisip ng kung ano-ano.
aj: dahil kapag nag selos anu nangyayari?
lola: eh wala kang tiwala non.
aj: *nag isip ng susunod na tanong*
lola: ano ba, may itatanong ka pa?
aj: wala na lola
lola: naliwanagan ka na ba?
aj: *tumawa ng malakas*

** true to life yan ah.. hindi yan scripted. promise**

si Lord, at tiwala daw ang sikreto sa till-death-do-as-part na relationship ayon sa cute na cute kong lola. hehehe minsan nga i-video ko si lola at ipost ko dito ang kakulitan nya. lalo na pag tinatanung ko kung sino ako at kung paano nya sabihing gwapo ako. wahahahaha